Friday, 20 March 2015

Intramuros and National Museum (Your gateway to Philippine History)

"Our Photos in Intramuros and National Museum"

























































"Itinerary"
Going to Intramuros and National Museum:
QCPU (San Bartolome Campus) --------->  Balintawak Ibabaw -------------> LRT (Central Station) ---------> and walk to Intramuros and National Museum.
Going Home:
Intramuros ------------> Blumentriit ------------> Bayan Glori.

(Fare Cost P 60.00 Back and Fourth)

"Historical Background"
Intramuros
Ang Intramuros ay tinatawag din na "walled city" sapagkat ito ay gawa sa makakapal na bato at napakalawak na pader. Ang Intramuros ay ginawa bilang proteksyon sa mga kaaway ng pamahalaan ng espanyol sa Pilipinas. Si Miguel Lopez De Legazpi ay nagpasimulang magpatatag nito, sapagkat ang Maynila ay isang magandang pang-istratehiyang lugar. Ang Maynila ay maganda din na pang-militar, pang-ekonomiya at pang-kalakalan na gawain dahil ito ay malapit sa baybayin.
Ang Intramuros ay nakaranas ng ibat-ibang pagkasira dulot ng mga dayuhang kaaway ng pamahalaang espanyol. Noong ikalawang digmaang pandaigdig ang Intramuros ay labis na nawasak sapagkat ito ay binomba ng mga Hapones.

Ang Intramuros ay may lawak na 64 hektarya at may 8 talampakan na pader. Ang Intramuros ay ginamit bilang taguan ng gamit pang-militar ng mga espanyol. Ito rin ay nagsilbing depensa sa mga kaaway. Ngunit noong panahon ng mga Amerikano ang Intramuros ay napasakamay nila, kasama ang Fort Santiago. Ang Intramuros din ay nagsilbing balwarteng pang-militar noong panahon ng espanyol.Ginamit din itong kulungan ng mga lumalaban sa pamahalaan. Ang Maynila ang sentro ng pamahalaang espanyol noong unang panahaon kaya makikita hanggang ngayon kung gaano katindi ang kapangyarihan ng Espanya.

Dumaan sa ibat-ibang pagkasira ang Intramuros ngunit ito ay nanatili pa rin na matatag hanggang sa kasalukuyan. Noong 1951 ang Intramuros ay dineklara bilang isang Historical Site sa bisa ng isang batas. Ang pader ng intramuros ay umaabot mula Maynila papuntang Pasig River. Ito rin ay dumadaan sa Fort Santiago, Manila Cathedral, National Museum atbp.

National Museum
Ang National Museum o Pambansang Museo ng Pilipinas ay itinatag noong 1901. Ang Pambansang Museo ay isang museong pang-kultura. Ang Pilipinas ay hitik sa kasaysayan. Makikita sa Museo na ito ang mga artifacts o mga kagamitan mula pa noong pre-hespanic period, Spaniard Era, American Era, Japanese relics, hanggang sa kasalukuyan. Sari-saring mga kagamitan ang makikita dito isa na rito ang Spolarium ni Juan Luna. Mga sculpture ni Rizal, mga lumang kanyon, baril, bomba, lumang espada atbp. Ang museo na ito ay ginawa bilang pagpapakita na mahalaga ang kasaysayan. Ngunit ang pambansang museo ay dumanas ng ibat-ibang pagkasira, tulad na lamang ng pagbomba ng mga Hapones dito. Sa kasalukyan ang Pambansang Museo ay pinaganda at pinatibay.
Ang museo rin ay nagamit bilang house of legislative. Sa kasalukuyan ang Museo ay napakaganda at hitik sa impormasyon, di maiiwasang mamangha sa mga kagamitan. Sa tulong din ng museo na ito naipapakita ang kahalagahan ng kasaysayan.

Reflections and Reactions

Noong Marso 14, 2015 ay isa sa mga araw na mahalaga sa'akin dahil masaya ako noong araw na iyon kasi kasama ko ang mga kaibigan ko. Para sa akin mahalaga rin ito kasi pumunta kami sa mga historical places na kung saan marami kaming natutunan. Nakakatutuwang isipin na napakaganda pala ng kasaysayan ng Pilipinas. Mas lalo kong na-appreciate ang ganda ng kasaysayan ng Pilipinas. Noong nandoon na kami sa Intramuros ako ay namangha sapagkat ang dating intramuros na nakikita ko lang sa litrato ay mismong nasilayan ko na ng personal. Akin din nakita ang ibat-ibang lumang gamit sa Museo, tulad ng lumang bala ng kanyon, lumang espada, baril. Akin din nakita ang ibat-ibang pinta tulad na lamang ng spolarium ni Juan Luna, mga lumang banga, at mga kagamitan noong bago pa dumating ang mga espanyol.

Napakasaya ng araw na iyon, marami kaming natutunan at mas lalo kong naintindihan ang kasaysayan. Alam niyo inaantol talaga ko kapag History na ang subject namin, dahil pakiramdam ko ito ay nakakabato na subject, at di kapani-paniwala kung pagbabasehan lang ang kwento. Subalit ng makarating kami sa Intramuros at Pambansang Museo naunawaan ko ang kahalagahan ng kasaysayan.

-Mark Marvin D. Ejona (SBGE I10)


Sa aming pagpunta noong ika-14 ng Marso, nakita ko ang mga lumang kagamitan, sandata sa Intramuros. Ngayon ko lang napagtanto na sagana pala tayo sa mga armas at iba pang kagamitan na pang-laban. Nakita ko ang mga lugar kung saan sila nakikipaglaban. Labis kong ikinagulat ang pangyayari dahil hindi ko lubos isipin na ganito pala ang labanan noong unang panahon.
Nakakamangha ang intramuros, napaisip ako na napakaganda pala noong unang panahon. Kung saan simple lang ang lahat. Makikita din dito kung gaano makapangyarihan ang pamahalaang espanyol noon dito sa Pilipinas. Nakita ko ang mga lumang kanyon at sandata ng mga espanyol noon.

Mas lalo kong napahalagahan ang kasaysayan. Aaminin ko na inaantok ako kapag History na ang subject namin, subalit noong pumunta kami sa Intramuros at National Museum napaisip ako na mahalaga ang kasaysayan. Ako pala ay parte ng kasaysayan. Ako rin ay labis na namangha sa mga lumang kagamitan sa Museo. Napakasaya kahit nakakapagod ang araw na iyon ng pagpunta namin.

-Mark Love Martinez (SBGE I10)


March 14, 2015, We went to Intramuros and National Museum as part of our project in Philippine History. We traveled from Quezon City Polytechnic University to Balintawak; and Balintawak to LRT (central station) and we walked going to Intramuros and National Museum.
While we walked searching for Intramuros, we saw Unibersidad De Manila, Bonifacio Shrine, and Manila City Hall.
When we are on Intramuros, I was amazed. I feel that I was transported back to Spanish Time.
When I was in Intramuros I feel very happy. I imagined that I am one of the soldiers in Intramuros. I imagined that I was using the canyons in Intramuros. We took some pictures in Intramuros and took also a video.Im very amazed on the walls of intramuros, I was wondering how Intramuros built, in response to my curiosity I ask the guard, if Intramuros was renovated, I ask also why the tunnel inside the walls of Intramuros was closed, he told me that it was being closed by the Intramuros Administration, I felt lonely about that because I really like to explore more in Intramuros. There are many areas in the walls that was being closed and strictly prohibited for visitors, I felt sad about that. When we are on the National Museum, I was also amazed. I saw some relics and artifacts in the museum. I also saw the famous Spolarium of Juan Luna and the art of Dr. Jose Rizal Mother's Revenge. The sculptures of Guillermo Tolentino and the painting of different famous painters in the Philippines. I also saw old canyons, old vases and different old weapons.
All in all, I feel very happy and amazed in the places we went. I personally, I like history because for me without history we are all nonsense. I appreciate so much the places and the people we met in Intramuros and National Museum. I, as a filipino I love our own history.
So come on, Let us visit our historical palaces, it's educational and enjoyable. 

-Ramil Invento (SBGE-110)

Nung bago kami pumunta doon ay akala ko mali yung daan na dinaanan namin dahil iba yung sinabi ng nanay ko ay sa Pedro Gil kami bumaba galing LRT pero sa central kami pumunta. At akala namin sasakay pa kami ng isang beses papuntang Intramuros, Buti nalng may lalaking nagturo sa amin papunta doon. Dumaan kami sa under pass patawid sa kabilang kalsada. Marami kaming nadaanang mga eskwelahan pati na rin ang manila cathedral. Dumating kami sa Intramuros at nakita namin ito nakasulat sa taas at pagpasok namin ay parang bumalik kami sa panahon ng kastila dahil kakaiba and lugar doon. Unang nadaanan namin ay ang mga kanyon na ginamit ng mga espanyol laban sa kanilang mga kaaway. May guwardiyang lumapit sa amin at nagkwento tungkol sa lugar na iyon at itinuro pa ang ibang lugar na may kaugnayan sa lugar na iyon. Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa National Museum at nakita namin ang napakaraming art gallery at mga istatwa ng mga makaysayang tao sa pilipinas.

-Andrew Louis Tandoy (SBGE-110)

Noong ika-14 ng Marso, taong 2015 pumunta ako kasama ang aking mga kaklase at kaibigan ko sa makasaysayang lugar na tinatawag na Intramuros. Sa Intramuros ay nakita namin ang mga kagamitan na ginamit ng ating mga ninuno sa kanilang pakikipaglaban sa mga dayuhang kanilang gustong sumakop sa ating bansa, nariyan ang mga espada, ibat ibang klaseng baril at mga kanyon. Nakita din namin dito ang mga lugar na pinaglabanan nila noong unang panahon, at nalaman din namin ang kwento sa likod ng bawat lugar na aming napuntahan. Sa isang lugar na iyon na aming pinuntahan ay napakarami na naming natutuhan, Pano pa kaya magkaroon pa kami ng pagkakataon na makapunta sa iba pa nating mga makasaysayang lugar. Ngayon pa lang masasabi ko ng napakayaman ng kasaysayan ng ating bansang pilipinas. 

-John Paul Ogalesco (SBGE-110)

Saturday, March 14,2015, The day of our tour to some of historical sites here in philippines. I wake up as early as 6:00 am to prepare my breakfast and also to help my siblings to do household chores. After doing so I went to school and wait for almost 2 hrs for my classmates arrive .And when they finally arrived. it's already 10:00 am. We left the school and ride a jeep with a route to balintawak ibabaw. we stopped at the central station of LRT. finally, we got to Intramuros, We took some pictures over there. We saw a guard and ask him about the history of Intramuros, how it is being made, what materials being used and how old is it. The guard was kind, he answered honestly and polite, After Intramuros, we went to National Museum, it is near to luneta park. We pay 50 pesos for the entrance. National Museum has different stuffs regarding Philippine history. We took pictures with it and enjoy the moment that finally we were be able to know how Philippine survived so many years in this world. And know how many countries went to Philippines and influenced us honestly. We adopted few of foreign cultures and it occurs for almost how many years. This tour took almost 6 hrs, But this amount of time was precious and unforgettable, because for the first time, we saw old stuffs that are preserved for long years in actual. And we know different personalities involved in our history, that's all Thank you.

-Arnel alic (SBGE-110)

March 14, 2015 Historical and Museum visit the day before, this visit i'm so excited i can't sleep on that night because its my first time travelling to manila. On our way we experience some traffic but its normal so that were just enjoy our trip. When we finally arrive i saw the universidad de manila, then we went to intramuros, we saw the cannon there alined and we asked some history of the renovation from the guard, he is a nice person after our conversation, he entertain the foreigners, next destination is Philippine museum. The museum is just a short traveling from intramuros, so we just walk to go there. On the museum were not the only visitors there's there are so many people on the museum.

-Mark Peter Barnobal (SBGE-110)





No comments:

Post a Comment